Advertisers

Advertisers

Emilienne, malaki ang tiwala kay Joshua

0 14

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa isang interview, naurirat ang girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier hinggil sa estado ng relasyon nila ng aktor.

Ayon sa French-Filipino athlete, mas preferred daw nila ang low key relationship ni Joshua.

Katunayan, malaki raw ang pagpapahalaga nila sa kanilang privacy.

Sa heart to heart talk din niya kay DJ Chacha sa vlog ng huli, aware raw siya na sikat ang kanyang nobyo at maraming babaeng nagkakagusto rito.

Gayunpaman, manhid na raw siya pagdating sa kanyang nobyo.

Wala raw siyang pinagseselosan kahit na iyong mga nakakatambal ng kanyang boyfie.

Confident daw kasi siya at malaki ang tiwala sa kanyang partner.

Dagdag pa niya, naiintindihan din daw niya ang kalikasan ng trabaho ni Joshua lalo pa’t nasa showbiz ito kung saan palasak ang intriga.

Naurirat din si Emilienne ni DJ Chacha kung ano ang ginagawa nito kapag ‘down’ ito.

Aniya: ” I give myself 20 minutes to cry”.

Naobserbahan din ni DJ Chacha na tila wapakels ito sa bashings na natatanggap sa kanyang detractors.

Sagot naman ni Emilliene: “In life, someone will always say something about you and it’s either you’re gonna let that consume you or you’re gonna move forward and just let them.”

Hirit pa niya, keber na rin daw siya sa mga taong bet na sirain ang kanyang araw.

“Why would you give your whole day to sadness, wala ka nang magagawa noon. But if you give 20 minutes lang in a day, you allow yourself to feel what you feel but not to the extent that buong araw kang lugmok,” paliwanag niya.