Advertisers

Advertisers

Kathryn Bernardo laging kasama ang dyowang Mayor

0 19

Advertisers

Ni Anne Venancio

Kalat sa social media ang mga larawan nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala matapos silang mamataan sa Power Plant Mall sa Makati City noong Sabado, Enero 31.

At kahit naka-facemask sina Kathryn at Mark, hindi pa rin naiwasang makilala ang aktres.

Dahil bihira silang makita na magkasama sa publiko, mukhang lantaran na ngayon ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Matatandaang noong Hulyo 2024 unang naiulat na nanliligaw si Mayor Alcala kay Kathryn.

***

Ejay Falcon involve sa fraternity

Balik-arte sa pelikula ang dating Oriental Mindoro vice governor na si Ejay Falcon sa Kappa-tiran, na prodyus ng Mamay Production ni Vice Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte, sa direksyon ni Neal Buboy Tan at line produced ni Shiela Lintan Torres.

Ipinakilala sa ginanap na cast reveal at story conference noong Pebrero 1, 2026 sa Pandan Asian Café ang iba pang mga artista sa pelikula, kabilang sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Bembol Roco, Mygz Molino, Bernie Batin, at marami pang iba.

Tatalakayin ng pelikula ang kumplikadong nangyayari sa loob ng mga fraternity, kabilang ang mga insidenteng nauuwi sa trahedya. Aminado si Ejay na hindi ito ang unang pelikula na inalok sa kanya, ngunit mas nagustuhan niya ang proyekto.

Nagustuhan din ito ng prodyuser na si Marcos Mamay, na layuning makatulong sa movie industry at mabigyan ng trabaho ang mga artista, staff, at crew, lalo’t isa siya sa mga adviser ng Actors Guild of the Philippines.

Ayon kay VM Mamay, “Maganda ang istorya ng pelikula kaya willing akong iprodyus. Isa pa, pagkakataon ito para mapagsama ko ang mga kaibigan kong artista sa isang pelikula bilang neophyte members. Tungkol ito sa fraternity kaya dito malilinawan ang lahat tungkol sa fraternity.”

Sa mismong Nunungan kukunan ang ilang eksena, at gaganap din bilang mayor ang naturang prodyuser.