Advertisers

Advertisers

AJ Raval binuking na ate ang tawag sa kanya ng panganay ‘pag nasa public

0 12

Advertisers

Ni Anne Venancio

Pinatatag na si AJ Raval matapos ang mga pinagdaanan niya dahil sa relasyon nila ni Aljur Abrenica at pagkakaroon ng 3 anak.

Pinakamatindi umano kay AJ bilang ina ang nangyari sa pangalawa nilang anak na premature at “blue baby,” si Aljur Jr., dahil hindi pa ganap na developed ang kanyang mga baga. Kwento ni AJ, ang tanging hiling lang niya noon ay madugtungan ang buhay ng kanyang anak. Saksi siya sa CPR na isinagawa ng mga doktor, kaya takot na takot siya nung oras na iyon.

Sa panayam sa Toni Talks, emosyonal na inamin ni AJ na hindi naging madali ang kanyang mga karanasan para sa kanyang mga anak na sina Ariana, Alkina, Junior, at Abraham lalo’t hindi nila magawang mamasyal nang buo bilang pamilya upang makaiwas sa mga mapanghusgang mata. “Pinrotektahan ko lang ang aking mga anak. Gusto namin silang ipasyal at bigyan ng malalaking birthday celebration,” aniya.

Dagdag pa sa sakit na nararamdaman niya ay ang pagkakaiba ng tawag sa kanya ng panganay, na kapag nasa bahay, Mommy Bats, ngunit sa labas, Ate Bats. Ngayon, kinausap na niya ang anak na tawagin siyang Mommy, dahil nilantad na niya ang lahat.

Kwento nito, “‘Yung panganay ko, nag-aaral. Gusto ko pong pumunta sa school niya, maging present. Parang nasanay na siya sa nangyayari. Hindi ko siya tinuruan, pero kapag nasa bahay, tawag niya Mommy Bats, sa labas naman, Ate Bats noon.”

Sa ngayon, masaya na si AJ dahil magaan na sa pakiramdam niya na malaya na ang kanyang mga anak, na nakalalabas na sila na magkakasama.