Advertisers

Advertisers

3 Maranao tinodas ng katransaksyon sa ginto

0 51

Advertisers

Pinaslang ang tatlong Maranao-Muslim sa isang liblib na bahagi ng Barangay Sta. Teresa sa bayan ng Lal-lo, Cagayan nitong Huwebes ng hapon ng Marso 12, 2026.
Kinilala ang mga biktima na sina Salic Amerol at ang mag-asawang Mutalib “George” Amerol at Janisah Macud-Amerol.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad nabatid sa mga kapamilya ng biktima na dinala ang tatlong biktima sa nasabing barangay ng isang ka-transaksyon kaugnay sa bentahan umano ng ginto.
Nguni’t pagdating sa liblib na lugar sa Barangay San Teresa, doon na isinagawa ang walang awang pagpaslang sa mga biktima.
Natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima ala-1:00 ng hapon ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Ayon sa deklarasyon ng pamilya, may dala umano humigit-kumulang P1.2 milyon ang mga biktima na gagamitin sana bilang pambayad sa bibilhing ginto, dahilan upang pinaniniwalaang robbery o panlilinlang sa transaksyon ang posibleng motibo ng krimen.
Napag-alaman din na sinubukan pa umanong balikan ng mga salarin ang dalawa pang kapatid ng mga biktima na naiwan sa sentro ng bayan gamit ang sasakyan ng mga nasawi, subalit’ nakapagtago ang mga ito kaya’t nakaligtas sa posibleng kapahamakan.
Sa ngayon, patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin sa brutal na pagpaslang sa tatlong biktima.
Samantala, hustisya ang hi-ling at panawagan ng mga pamilya at nang pamanagot kung sino man ang mga responsable sa krimen. (Fidel A. Coloma/Thony Arcenal)