Advertisers

Advertisers

Tamang petsa ng pangongolekta ng toll fees pag-uusapan pa – PRA… CAVITEX SEGMENT 3B TOLL COLLECTION ‘DI TULOY!

0 20

Advertisers

HINDI ipatutupad ang pangongolekta ng toll fees sa katatapos na ‘Segment 3B’ ng Manila Cavite Expressway (CAVITEX) dahil marami pang dapat ayusin sa kahabaan nito at wala pang pinal na kusunduan hinggil sa petsa ng paniningil ang Manila-Cavite Toll Expressway (MCTE) Project Committee.

Sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Chairman, Atty. Alex Lopez, nilinaw nitong hindi pa napapanahon ang anunsiyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na simulan ang paniningil ng toll fee sa Segment 3B ng CAVITEX epektibo nitong Martes, Mayo 5.

“(T)he Philippine Reclamation Authority maintains that the timing of the implementation of the Notice to Start Collection (NTSC) issued by the Toll Regulatory Board shall depend on the result of the deliberations and agreement of the Manila-Cavite Toll Expressway (MCTE) Project Committee pursuant to the MCTE Joint Venture Agreement.

“Hence, please be advised that the said NTSC or the new toll fees for the C5 Link Expressway will not yet be implemented on May 5, 2026,” paglilinaw ng pahayag ni Lopez.

Ang 2-kilometrong segment ang bagong koneksyon ng CAVITEX simula Parañaque City hanggang sa C5 Road Link sa Taguig City. Binuksan ni Panglong “Bongbong” Marcos ang Segment 3B sa trapiko Marso 30, at libreng nagamit ng publiko sa buong buwan ng Abril.

Sa inilabas na public bulletin ng TRB noong Biyernes, May 2, sisingilin ng P59 ang Class 1 vehicles, P117 ang Class 2, at P176 ang Class 3 para sa mga bibiyahe mula Taguig City patungong Sucat Road, Parañaque City (Dr. A. Santos Avenue).

Papatawan naman ng P97 ang Class 1 vehicles, P194 ang Class 2, at P291 ang Class 3 para sa mga bibiyahe mula Taguig City patungong Roxas Boulevard at Zapote, Cavite.

Ayon pa kay Lopez, ang pagsisimula ng koleksyon ay dapat munang pag-usapan ng MCTE Project Committee na binubuo ng PRA, Philippine Estate Authority Toll Corporation (PEA-TC) at CAVITEX Infrastructure Corporation (CIC), isa sa mga kumpanya ng Metro Pacific Corporation (MPC) ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Ipinaalala rin ni Lopez sa TRB na batay sa Toll Operating Agreement (TOA) ng CIC at PRA, ang PEA-TC, bilang “direct subsidiary” ng PRA, ang magdedesisyon hinggil sa usapin ng toll collection.

Responsibilidad din, aniya, ng PEA-TC na tiyaking maayos at ligtas ang kahabaan ng Segment 3B at maiwasan ang reklamo ng publiko kahit nabigyan na ito ng Certificate of Substantial Completion (CSC) at nakapasa sa Road Safety Audit (RSA) at Site Acceptance Test (SAT).

Diin pa ni Lopez, dapat kilalanin ng mga ahensiya ng gobyerno ang deklarasyon ni Pangulong Marcos ng ‘National State of Emergency’ bunga ng patuloy na kaguluhan sa Middle East at huwag unahin ang kikitain sa kahit mahahalagang proyekto para sa kapakanan ng publiko.

Ani Lopez, bilang mga ‘GOCCs’ (government-owned and controlled corporation), may interes ang publiko (imbued with public interest) sa operasyon ng PRA at PEA-TC.

“While commercial gain and immediate return on investment are understandable objectives for ventures of this nature, PRA and PEATC being GOCCs, are still imbued with public interest and are always conscious of observing governmental and social sensitivities in all their actions,” ayon pa kay Lopez.

Patuloy din aniyang suportado ng PRA at PEA-TC ang panawagan ni Pangulong Marcos na pagaanin ang pasanin ng publiko sa pamamagitan ng mababang presyo sa mga kritikal na serbisyo katulad ng transportasyon.