Advertisers
HINDI isinasara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) at sa Rome Statute.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, maaari umanong pag-aralan ng administrasyon sa mga susunod na panahon ang pagbabalik ng bansa sa ICC kung kinakaila-ngan.
Gayunman, nilinaw ni Castro na nananatiling hindi pabor si Marcos sa muling pagiging miyembro ng ICC batay sa huli nilang pag-uusap.
Matatandaang pormal na kumalas ang Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019 matapos maging epektibo ang pagkalas ng bansa sa Rome Statute.