Advertisers

Advertisers

NAGBABALIK NA ANG PAMBANSANG PAMILYA SA HOME ALONG DA RILES: DA REUNION!

0 6

Advertisers

By Rommel Gonzales

Ang paborito nating family show, mapapanood na sa BIG screen sa pelikulang magsisilbing pahinga para sa ating lahat—isang balik-tanaw sa simpleng panahon ng tawanan, iyakan, at kasalan sa pinakamalaking reunion movie of the year!

Mas maraming tawa, mas matinding asaran, at mas malalim na kurot sa puso ang naghihintay sa buong pamilya ngayong June 17 in cinemas nationwide. Watch the official FULL TRAILER of Home Along Da Riles: Da Reunion now! #HomeAlongDaRiles #HomeAlongDaReunion #HADR #ReunionMovie #DolphyLegacy #DolphyTribute

***

Former Kapuso PBB housemates, excited na sa reunion nila via You’re My Favorite Song!

Tila dream come true para sa Sparkle artists at PBB Collab 2.0 ex-housemates na sina Caprice Cayetano, Heath Journales, Marco Masa, at Clifford ang muli nilang pagsasama-sama sa bagong serye ng GMA Public Affairs na “You’re My Favorite Song.”

“I’m very happy and grateful na friends ko ‘yung makakasama ko sa work na ‘to. I’m sure na magiging effortless po ito sa amin dahil may bonding na po kami dahil sa Bahay ni Kuya,” bahagi ni Caprice.

“Nasa Bahay pa lang, pinaplano na namin ito. Ngayong nandito na po, I’m super excited and I can’t wait po [na makasama sila],” sey naman ni Heath.

“Finally, it’s going to happen, and excited lang din talaga ako na maka-collaborate sila and mas ma-improve namin ang isa’t isa kagaya ng ginagawa namin sa PBB house,” ani Marco.

“I really miss their energy inside, parang lagi ko silang hinahanap. Ngayong nagte-taping na kami, I see them more often, kaya I’m super happy talaga,” pahayag ni Clifford.

Hindi rin nagtatapos sa loob ng Bahay ni Kuya ang bonding nila with Waynona Collings at Princess Aliyah na makakasama nila sa serye.

Abangan ang “You’re My Favorite Song,” soon sa GMA Afternoon Prime.