Advertisers

Advertisers

PBBM naglaan ng P3-B dagdag-pondo para sa mga OFWs mula M. East

0 4

Advertisers

NAGLAAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng karagdagang P3 bilyong pondo para sa Department of Migrant Workers (DMW) upang matiyak ang ligtas na pagpapauwi at kabuhayan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naapektuhan ng gulo sa Middle East.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, gagamitin ang pondo para sa buong proseso ng saklolo kabilang ang tulong bago umalis, pamasahe sa eroplano, at mga programa sa re-integrasyon o muling pagsisimula ng mga Pilipino sa bansa.

Batay sa huling ulat, umabot na sa 10,446 na Pilipino ang ligtas na naiuwi sa bansa sa pamamagitan ng mga humanitarian flight ng DMW, kasama ang mga may sakit na sinaklolohan ng mga medical personnel sa eroplano.



Sinabi ni Recto na direktiba ng Pangulo na bigyan ng tulong ang mga OFW hanggang sa makauwi sa kanilang mga probinsya.

Pagdating sa bansa, makakatanggap ang mga ito ng tulong pinansyal, psychosocial counseling, medical assessment, at gabay sa paghahanap ng trabaho.



Para sa pangkabuhayan, nagbibigay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng hanggang P20,000 na puhunan para sa mga gustong magnegosyo.

Nagdaos na rin ang DMW ng 15 job fairs sa buong bansa, habang naglaan naman ang Department of Education (DepEd) ng mabilis na proseso ng pagtanggap para sa mga bumalik na OFW na lisensyadong guro upang makapagturo sa mga pampublikong paaralan. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">