Advertisers

Advertisers

Higit P12.50-M iniwang pinsala sa agrikultura ni ‘Inday’

0 9

Advertisers

PUMALO na sa mahigit P12.50 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura mula sa pananalasa ng nagdaang bagyong Inday.

Bunsod nito, ayon sa Department of Agriculture (DA), naapektuhan ang kabuuang 1,078 magsasaka na mayroong 500 ektarya ng agricultural areas sa apat na rehiyon.

Batay sa initial assessment ng DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, naitala ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Negros Island Region. Nagresulta ito sa pagkawala ng 107 metrikong toneladang produksiyon, na subject sa validation.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">