Advertisers

Advertisers

MMDA papatawan ng multa ang contractor ng EDSA rehab

0 5

Advertisers

NAGHAHANDA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patawan ng multa ang contractor ng EDSA rehabilitation project matapos lumala ang pagsisikip ng trapiko sa bahagi ng EDSA noong Linggo, Agosto 23.

Ayon sa MMDA, bumigat ang daloy ng trapiko sa Guadalupe at Shaw Boulevard habang isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-aaspalto sa naturang kalsada.

Nabatid na ang contractor ng EDSA rehabilitation project ay ang Readycon Trading and Construction Corp.



Sinabi ng MMDA na nakipag-ugnayan na ito sa DPWH para patawan ng multa ang contractor dahil sa hindi pagde-deploy ng sapat na flagmen na dapat sana ay tumulong sa pagmamando ng trapiko at paggabay sa mga motorista.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">