Advertisers

Advertisers

Sen. Estrada pinayagan ng Sandiganbayan na magpasuri ng tuhod

0 2

Advertisers

PINAHINTULUTAN ng Sandiganbayan 5th Division si Sen. Jinggoy Estrada na pansamantalang lumabas sa New Quezon City Jail ngayong Miyerkules, Agosto 26, upang magpa-X-ray ng kaniyang mga tuhod sa isang pribadong ospital.

Sa resolusyong inilabas ng korte, pinahintulutan si Estrada na lumabas mula alas-11 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon matapos ang kaniyang medical appointment. Kailangan ding samahan si Estrada ng mga angkop na security escort habang nasa labas ng kulungan.

Nakasaad din sa resolusyon na sasagutin mismo ng senador ang lahat ng gastusin sa ospital, medical fees, transportasyon, at iba pang kaugnay na bayarin.



Nauna nang kinumpirma ng kaniyang legal counsel na may osteoarthritis sa magkabilang tuhod si Estrada.

Kasalukuyang nakadetine ang senador kaugnay ng mga kasong plunder at graft na may kinalaman sa umano’y anomalya sa flood control projects.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">