Advertisers

Advertisers

Online ‘groomers’ na bumibiktima sa mga kabataan bantay-sarado ng DOJ at NBI

0 2

Advertisers

MAHIGPIT na minamanmanan ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga online groomers na bumibiktima sa mga kabataan.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ay sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na may nakita silang pattern ng paghikayat sa mga kabataan sa online games na pumasok sa mga pribadong chatrooms kung saan kailangan nilang gumawa ng higit na karahasahan para makakuha ng mas maraming points.

Tumanggi naman si Vida na isapubliko ang detalye upang hindi makompromiso ang kanilang hakbang at imbestigasyon at sa halip ay nangakong magsusumite ng confidential report sa komite.



Binanggit naman ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag na may grupo mula sa Pilipinas ang pupunta sa Singapore para kausapin ang mga opisyal ng Meta hinggil dito.

Sinabi ni Matibag, kasama siya sa nabanggit na grupo at may kinatawan din ang Deparment of Information and Communications Technology (DICT), gayundin ang tanggapan ng Executive Secretary at House Speaker.



Diin ni Matibag, ang mga karahasan na kinasasangkutan ng mga menor de edad ay hindi nila itinuturing na isolated incident kaya mahigpit ang surveillance nila sa grupong hinihinalang nasa likod ng ganitong mga pag-atake.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">