Advertisers

Advertisers

SEX DRIVE NINA MAUI AT KATYA MAY BAGONG BERSYON SA VMX, BIDA SINA ANGEL CASTRO AT APPHLE CELSO

0 4

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

May bagong bersyon ang isa sa mga pumatok na sexy films noong early 2000s. Panoorin ang remake ng Sex Drive, showing na sa VMX.

Muling tunghayan ang kaakit-akit na kuwento sa bago nitong mukha at mga bago ring bida.

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr., panoorin sina Angel Castro at Apphle Celso sa isang di-malilimutang biyahe at adventure.

Sina Kelly (Angel Castro) at Sasha (Apphle Celso) ay magkaibigang magsasama sa isang road trip na puno ng freedom, self-discovery, at sexual awakening.

Sa kanilang biyahe, makikilala rin nila ang binatang si Carts (Benz Sangalang), na isasama nila sa kanilang tutuluyan. Doon, magkakaroon sila ng matinding ugnayan at mapusok na mga tagpo. Pero hindi lang puro sarap ang mararanasan ng magkaibigan sa bago nilang mga matutuklasan sa buhay. Sila rin ay malilinlang, masasaktan, at mapagsasamantalahan.

Bukod kay Benz Sangalang ay makakasama rin nina Apphle Celso at Angel Castro sa pelikula ang isa pang VMX star na si Juan Calma.

Panoorin kung paanong ang inaasahan nilang bago at masayang journey ay mababahiran ng takot at trauma. Samahan sina Apphle Celso at Angel Castro sa Sex Drive, mapapanood na simula August 28, 2026.