Advertisers

Advertisers

PBBM, ipinag-utos ang legal assistance para sa mga PDLs 

0 24

Advertisers

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng libreng legal assistance sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na maaari nang maging kuwalipikado sa paglaya upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan at makatulong sa pagpapaluwag ng mga kulungan.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, nais ng Pangulo na masuri ang mga kaso ng mga nakakulong upang matukoy kung sino ang nakapagsilbi na ng sentensiya at maaari nang palayain.

Hinimok din ni Marcos ang mga lokal na pamahalaan na bumuo ng mga programa kung saan makatutulong ang mga law student at kanilang mga propesor sa pagbibigay ng legal na serbisyo sa mga PDL. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">