Advertisers
MAS maraming oportunidad sa trabaho ang maaaring mabuksan para sa mga Pilipinong propesyonal matapos kilalanin ng 21 miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ang Mutual Recognition Agreements (MRA).
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, sa ilalim nito ay mas madaling kikilalanin ng mga bansang kasapi ang edukasyon at kuwalipikasyon ng mga Pilipinong propesyonal na nais magtrabaho sa kanilang bansa.
Nangyari ang development na ito matapos dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa APEC Summit sa China.
Dahil dito, mababawasan ang pangangailangang kumuha pa ng karagdagang edukasyon sa host country bago makapagsanay ng propesyon.
Itinuturing itong mahalagang resulta ng APEC 2026 na inaasahang magbibigay ng mas malawak na oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino. (Gilbert Perdez)