Advertisers
NAGHARI si Robin Catalan sa men’s 50kg combat event sa Kun Bokator at dagdagan ang patuloy na paghakot ng Pilipinas ng medalya sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Binalibag ni Catalan ang Indonesian Ade Permana,3-0 sa sa final sa Hall C ng Chroy Changvar Convention Center para sa pangatlong gold medal ng Pilipinas sa loob ng isang araw.
Bago makarating sa final, Pinatumba muna ni Catalan ang hometown bet Sovan Nang, 2-1 sa semifinal round.
Iba pang Filipino athletes sa Kun Bokator na nag-ambag ng medalya sa bansa.
Geli Bulaong nakuha ang silver sa women’s 60kg combat matapos yumuko sa Vietnam’s Vo Song Thuong Tran sa final. Ariel Lampacan nabigo sa hometown bet Nget Deb sa final ng men’s 55kg combat para sa silver medal.
Kylie Mallari silver sa women’s 50kg combat kasunod ng pagkatalo sa Vietnam’s Thi Thanh Tien Nguyen, at Mariane Mariano natalo sa Vietnam’s Thi Tuyet Mai Nguyen sa final ng women’s 55kg combat para sa isa pang silver medal.