Advertisers

Advertisers

3 PBA players pinagmulta ng P150K

0 142

Advertisers

PINAGMULTA nitong Martes ni Philippine Basketbal Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ng P150,000 ang manlalaro ng NorthPort na si Kent Salado, at sina Ato Ular at Rey Suertre ng Blackwater matapos maglaro sa torneo na hindi aprubado ng PBA.

Bawat manlalaro ay pinagbabayad ng P50,000 penalty dahil sa paglaro saisang invitational tournament sa Davao City kamakailan nang walang permiso sa kanilang respective mother team sa PBA.

Kinausap muna ni Marcial ang nasabing tatlong PBA players sa kanyang opisina sa Libis, Quezon City, bago ibinaba ang kanilang multa.



Nito lamang mga nakaraang linggo, pinagmulta rin ni Marcial ng P595,000 ang sampung manlalaro sa pangunguna ng Magnolia guard na si Jio Jalalon (P100,000) at malalaking sina Beau Belga ng Rain or Shine (P70,000) gayundin si JR Quinahan ng NLEX (P70,000).

At nitong weekend, pinayagan ng NLEX makawala si Quinahan sa pamamagitan ng pag-terminate sa kontrata niya na dapat ay hanggang December 31, 2023 pa, matapos ang internal investigation. Ang Cebuano ay kasalukuyan nang free agent.



Pinaalalahanan ni Marcial ang tatlo na kapag inulit pa ang ganung pagkakamali ay papatawan ang mga ito ng mas mabigat na penalties.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">