Advertisers

Advertisers

NBA Western Conference semis… Lakers 3-1 na vs Warriors

0 124

Advertisers

UMISKOR si Lonnie Walker IV ng kanyang buong 15 puntos sa kahanga-hanga niyang laro sa 4th quarter, at umatake sa huli ang Los Angeles Lakers para maiposte ang 3-1 na bentahe sa serye matapos ang 104-101 na panalo laban sa shotting team Golden State Warriors sa Game 4 nitong Martes ng umaga (Lunes ng gabi sa Amerika).

Kumamada naman si LeBron James ng 27 points at si Anthony Davis ay nagtala ng 23 points at 15 rebounds para sa seventh-seeded Lakers, na nangangailangan nalang ng isang panalo para makapasok sa Western Conference finals matapos ang walong sunod na panalo sa kanilang bakuran ngayong Marso.

Nalagpasan ng Los Angeles ang third career postseason triple-double ni Stephen Curry hanggang huli dahil kay Walker, na gumawa ng nakakabilib na performance sa pagbalik sa rotation ng Lakers sa serye na ito matapos na ang dartng starter ay napako sa bench nitong mga nakaraang linggo.

Si Walker ay 6 for 9 sa fourth quarter at naipasok ang importanteng go-ahead jumper sa oras nalalabing 1:53 ng laro. Ang layup ni Curry sa natitirang 1:05 ay tumapyas sa lamang ng Lakers sa isang puntos, pero pumalya ang dalawang 3-pointers ni Curry habang naipasok ni Walker ang kanyang 2 free throws sa nalalabing 15 segundo ng laro.

“We don’t win this game without Lonnie Walker tonight, that’s for sure,” diin ni James sa isang postgame interview.

Pinuwersa naman ni Davis ang isang jump ball sa patapos na mga segundo, at hindi ito nakuha ni Curry sa nalalabing 1.3 segundo ng laban.

Si Curry ay nagtala ng 31 points, 10 rebounds at 14 assists sa kanyang 13th career triple-double para sa defending champion Warriors, na kailangan malagpasan ang 3-1 deficit sa serye para sa ikalawang pagkakataon ng franchise history at maidepensa ang kanilang NBA title. Nagawa na ito ng Golden State noong 2016 Western Conference finals.

Ang Game 5 ay gaganapin sa Huwebes (Philippine time) sa San Francisco.