Advertisers

Advertisers

Nang ibasura ng MTRCB…Its Showtime iaapela na kay PBBM ang mosyon

0 153

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINASURA ang apela ng programang It’s Showtime ng ahensiya ng MTRCB para sa kanilang isinumiteng motion recommendation.
Habang di pa ibinababa ang 12 days suspension na inaprubahan ng komite maliban kay Chair Lala Sotto
Sa kabila ng mga panawagan na sibakin na si Vice Ganda at partner na si Ion Perez dahil sa itinuturing ng kalaban na kalaswaan ang pagdila sa icing ng cake.
Kaya naman sa pagbasura ng kahilingan ng programang It’s Showtime ay umapela na rin sila at dumulog sa opisina ng Pangulo na si PBBM
Kahit si Sen. Bong Revilla ay umapela para sa pagkonsindera ng Palasyo para sa mga manggagawa na No Work, No Pay.
Tiyak daw na maaapektuhan ang mga magulang na nagpapaaral ng kanilang anak kapag nawala na sa ere ang It’s Showtime
Hoping naman ang buong It’s Showtime na dinggin ang kanilang pagdulog sa Palasyo.
Kaya nasa kamay na nga raw ni PBBM ang magiging kapalaran ng nasabing programa.
***
Andrew E OA sa reaksyon sa bill na kinain sa resto sa Korea
MARAMING napataas ng kilay nang mag-viral ang ipinost ng Master Rapper na si Andrew E.
Ani post sa socmed ni Andrew nang mamalagi sila sa Seoul South Korea ay kumain sila sa isang resto roon
Laking gulat daw nito nang makita ang bill na umabot sa 46,000.
Kaya maraming nagreak na OA sa reaksyon si Andrew sa bill nito na 46,000 won na equivalent sa peso na 2K lang.
Kaya naman naikonek agad ito ng netizens na napapareak daw si Andrew sa kinain nito na egg lang with konting vegetables na umabot ng 46,000 won
Eh yung VP nga raw ng Pilipinas na gumastos ng 11M+ kada araw na sa loob ng loob ng 11 days na umabot ng 125M ay di nagre-react tulad ni Andrew.
Well, well, well…’Yun na!