Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
BATA pa lamang si Jinwen Sumanda ay pangarap na niyang maging magaling na singer at artista.
Katunayan, ayon sa pride ng Claveria, Misamis Oriental, sa murang edad daw ay nakitaan na siya ng parents niya ng potensyal sa pagiging performer.
“Since I was a kid, I really like to sing and dance. In our Christian church, I was asked to sing every Sunday. Doon po na-develop ang singing hobby ko,” pagbabalik-tanaw niya. “Then my mom started to send me to voice lesson class every weekend. That’s how it all started po,” dugtong niya.
Dagdag pa niya, sumali rin daw siya sa online singing competition para mahasa pa ang galing niya sa pagkanta.
“I also joined online singing contests for the experience, “pagbibida niya.
Kuwento pa niya, sa pamamagitan daw ng kanyang coach, nadiskubre ang kanyang talent ng composer at music producer na si Evie Quintua at ng mister nitong si Nick na nagbigay ng kanyang biggest break.
“My coach Alfred was the one who introduced me to EBQ production. And the rest is history,” tsika niya.
Kamakailan lang, ini-launch ang kanyang first debut single album na “You’re My Inspiration” na nilikha nina Nick at Evie Quintua sa Tanghalang Pasigueño kung saan siya nagpasampol ng kanyang golden voice.
Ani Jinwen, inihahandog daw niya ang kanyang kanta sa kanyang lolo na may stage 4 cancer.
Bukod sa passion niya ang singing, gusto rin daw niyang makatulong sa kanyang abuelo at mga magulang kaya siya nag-aartista.
Idolo ni Jinwen si Sarah Geronimo at bilang isang Popster, paborito raw niyang awitin ang piyesa nitong “Forever Is Not Enough.”
Bet din daw niyang umarte lalo pa’t faney siya ni Jane de Leon na na-meet daw niya noon sa isang okasyon sa Davao.
Hirit pa niya, na-starstruck daw siya sa aktres lalo na’t dati ay sinusubaybayan niya ang “Darna” TV series nito.
Sey pa niya, kung mabibigyan ng chance, gusto rin daw niyang gumanap bilang isang batang superheroine.
Bukod sa pagkanta, isa ring modelo si Jinwen.
Naging grand winner siya ng Little Miss Charitable Heart 2023 at naging third runner up sa Little Miss Mindanao.
Rumampa rin siya sa Iligan Kids Fashion week at naging J.A.P. Collections Model at brand ambassadress.
Nag-e-excel din siya sa school at maging sa extra-curricular activities.
Isa rin siyang Kumon Bronze and Silver Medalist sa Mathematics at grand champion sa story retailing contest sa Misamis Occidental.