Advertisers
NASAWI sa ambush ang dating director ng Humanitarian Emergency Action and Response Team ng nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, Linggo ng gabi, January 28, 2024
Kinilala ang napaslang na si Engineer Ramil Masukat, na una nang nakaligtas sa ambush sa boundary ng mga bayan ng Mamasapano at Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur noong November 27, 2022.
Ang ARMM-HEART, kungsaan nagsilbi siya bilang mataas na opisyal, na kilala ngayon bilang Rapid Emergency Action on Disaster Incidence-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao nang mapalitan ng BARMM ang ARMM noong January 2019.
Sakay si Masukat at ang kanyang driver ng kanyang pulang Toyota Innova nang tambangan ng mga lalaking sakay ng motorsiklo sa isang bahagi ng Rabago street sa Purok Balikatan, Mother Barangay Rosary heights, Cotabato City.
Mabilis na nakatakas ang mga salarin, na inaalam pa ng lokal na pulisya kung sino at kung ano ang kanilang motibo sa pagpatay kay Masukat.
Pumanaw si Masukat sa isang pagamutan sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Masuwerte namang nakaligtas sa ambush ang kanyang driver.