Advertisers
Ni Rommel Placente
SA nagdaang 40th Luna Awards na ginanap noong Sabado ng gabi ay si Roderick Paulate ang tinanghal na Best Actor para sa mahusay niyang pagganap bilang si Bibs na kakambal ni Maricel Soriano sa pelikulang In His Mother’s Eyes, mula sa direksyon ni FM Reyes.
“I still remember doon sa LVN , sama-sama ang mga artista, nominado o hindi, nandoon dumarating ang lahat ng mga manggagawa ng pelikulang Pilipino.
“Please allow me to share this award with Maricel Soriano. Salamat din po sa aming direktor, si Eric Reyes. Maraming salamat sa pag-guide mo sa amin ni Maria,
Si Maricel Soriano naman ang wagi bilang Best Actress sa Luna Awards para rin sa In His Mother’s Eyes. Hindi nakadalo ang tinaguriang Diamond Star ng showbiz, kaya ang best friend niyang si Kuya Dick ang tumanggap ng award.