Advertisers

Advertisers

JAILBREAK: 8 PRESO NAKATAKAS, NANG- HOSTAGE NG BUS SA BATANGAS!

0 56

Advertisers

NAKATAKAS ang walong preso mula sa Batangas Provincial Rehabilitation Center sa Barangay Malai-nin, Ibaan, Batangas nang tutukan nila ng ice pick at agawin ang baril ng isang prison guard nitong Lunes ng umaga, Hulyo 28.



Pero ayon sa PNP, sumuko na ang lahat ng tumakas matapos mang-hostage muna ng isang pampasaherong bus sa STAR Tollway sa may boundary ng Sto. Tomas City at Tanauan City sa Batangas nitong tanghali ng Lunes.

Ayon sa inisyal na ulat na natanggap ng Ibaan Municipal Police Station, 10:00 ng umaga mula sa provincial jail nangyari ang insidente habang ineeskort ng isang guwardiya ang mga bilanggo papunta sa public utility room. Biglang umanong tinutukan ng ice pick ng isa sa mga preso ang guwardiya at inagaw ang service firearm nito.

Sinamantala naman ng iba pang preso ang pagkakataon at sabay-sabay silang tumakas patungo sa direksiyon ng Barangay Quilo, Ibaan.

Nakarating ang mga ito sa highway at kinomando ang isang dumaang bus.

Naaresto naman ng mga rumesponding pulis ang mga tumakas na bilanggo.

Posibleng makasuhan ng kapabayaan ang mga umeskort na jailguard.(Edwin Moreno/Mark Obleada/Koi Laura)