Advertisers

Advertisers

PBA Draft Combine sa susunod na Linggo

0 41

Advertisers

ISASAGAWA ng PBA ang annual Draft Combine sa susunod na Linggo para simulan ang pre-season activities para sa kanilang golden anniversary.

Ang Combine, na magbigay sa teams ng avenue at mag assess ng fitness at abilities ng rookie prospect, ay nakatakda sa Setyembre 4 to 5 sa Ynares Sports Arena sa Pasig simula alas 9 ng umaga.

Ang dalawang araw na meeting ay magsilbing prelude ng Season 50 Rookie Draft sa Setyembre 7,sa Mall of Asia Music Hall simula alas 5 ng hapon.

Sa ngayon umabot sa 40 players a PBA Draft Combine sa susunod na Linggo ng nag- apply para sa draft, dalawang araw bago ang deadline para sa submission bago matapos ang office hours sa Biyernes.

Ilan sa bantog na pangalan availabale kabilang ang Fil-foreign guards Dalph Panopio at Jason Brickman, dating NCAA MVP Will Gozum, LJay Gonzales ng Far Eastern University, Ateneo’s Chris Koon, Christian Manaytay ng University of Santo Tomas, St. Benilde’s Mark Sangco.

Huling nag apply para sa draft ay ang dating UAAP 3×3 MVP CJ Austria at La Salle teammate Joshua David, Letran’s Vincent Cuajao at Arthur Roque, Perpetual Help’s John Cedric Abis, Justine Guevarra ng University of the East, St. Benilde’s Jake Gaspay, at Neil Jay Tolentino ng Arellano University.

Terrafirma ang may karapatan sa season’s no. 1 overall pick sumunod ang Phoenix.

Justin Baltazar ang top overall pick ng Converge sa Season 49 draft.