Advertisers

Advertisers

CCMC tumanggap ng ‘Hall of Fame’ sa DOH

0 49

Advertisers

Kabilang ang Caloocan City Medical Center (CCMC) sa 35 ospital na binigyan ng Hall of Fame recognition ng Department of Health (DOH), sa ilalim ng Mother-Baby Friendly Hospital Initiative (MBFHI), para sa mahusay na pagsunod nito bilang Breastfeeding Hospital na may Early Rooming-in.

Ito ang unang pagkakataon na ginawaran ng DOH ang Hall of Fame status, na ibinibigay sa mga kinikilalang partner na ospital na sumasailalim sa matagumpay na accreditation sa ilalim ng MBFHI kada tatlong taon sa tatlong magkakasunod na beses.

Binati ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang CCMC at binigyang-diin na patuloy na i-upgrade ng pamahalaang lungsod ang mga pasilidad at serbisyo ng mga ospital sa lungsod upang maayos na matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan nito.



“Ang pagkilala sa CCMC bilang isa sa mga Hall of Famers ng DOH ay patunay lang ng pagkilos ng pamahalaang lungsod para tiyakin ang kalusugan ng mga mamamayan mula sa sinapupunan hanggang sa pagtanda,” wika ni Mayor Along.

“Mas palalakasin pa natin ang mga serbisyo at dadagdagan ang mga world-class na pasilidad ng ating mga ospital at community health centers nang sa gayon ay mabawasan ang alalahanin ng mga Batang Kankaloo sa kalusugan ng kanilang mga pamilya,” dagdag ni Malapitan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">