Advertisers

Advertisers

Boying Remulla itatalaga bilang Ombudsman – Sen. Imee

0 68

Advertisers

IBINUKING ni Senador Imee Marcos na nakatakdang italaga si Justice Secretary Boying Remulla bilang Ombudsman ngayong araw ng Lunes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang inaasahang appointment kay Remulla ay humaharap sa isa pang dagok sa hustisya at pananagutan sa bansa.

“Sa Lunes, nakatakdang hirangin si Boying Remulla bilang Ombudsman,” wika ni Marcos.
“Tunay ngang kulay itim pa rin ang kulay ng bayan; nagluluksa, nababalutan ng pangamba at kawalan ng pag-asa — sapagkat ang huling bantayog ng pananagutan ay pinilit wasakin ng politika at kalapastanganan sa Konstitusyon,” diin ni Marcos.



Nauna nang nagsampa ng reklamo ang senadora laban kay Remulla kaugnay ng sapilitang pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, ngunit ibinasura ito ng Office of the Ombudsman.

Inakusahan din niya si Remulla na pinilit umano si Acting Ombudsman Dante Vargas na ibasura ang kanyang reklamo.



Nagbabala rin si Marcos na makasisira sa kredibilidad ng opisina ng Ombudsman ang appointment kay Remulla.

“Isang sapilitang pagtatatalaga ng taong hindi karapat-dapat, may mga nakabinbin na kaso at may bahid ng kawalang-hustisya,” pagtatapos ni Marcos. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">