Advertisers

Advertisers

Biyuda ng ex-bgy. tserman pinatay at ibinaon sa family compound

0 19

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang misis ng yumaong dating barangay captain ng Balibago, Angeles City, Pampanga na ibinaon sa sarili nitong family compound.
Kinumpirma ng Angeles City Police Office (ACPO) na natagpuan ang katawan ni Maria Teresa “Tess” Mamac, biyuda ni Rodelio Mamac, noong Pebrero 16.
Nakabaon ito ng anim na talampakan sa hukay malapit sa kanilang piggery at malapit sa bahay ng kanilang family driver na si “Doc Manuel” bandang 5:00 ng hapon.
Habang patuloy na hinahanap ang naturang driver dahil nawawala rin ito.
Unang naiulat na nawawala si Mamac Pebrero 13, kungsaan huli siyang nakita Pebrero 12 ng gabi.
Batay sa CCTV footage, nakitang lumabas ng compound ang family driver bago marinig ang sigaw na pinaniniwalaang mula sa biktima, at bumalik makalipas ang ilang minuto.
Kalaunan, namataan din ang puting SUV ng biktima na umalis ng compound at natagpuang inabandona sa plaza ng Magalang.
Itinuturing na ‘person of interest’ ang kanilang driver na kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen, at isinasailalim na sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nag-alok ng P200,000 pabuya si Pampanga Representative Carmelo Lazatin, Jr. para sa ikadarakip ng salarin. (Thony Arcenal)