Advertisers

Advertisers

P6.7m yosi nasamsam sa Cavite

0 47

Advertisers

Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang P6.7 milyong halaga ng umano’y iligal na sigarilyo at nadakip ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon sa Barangay Puting Kahoy, Silang, Cavite.
Ayon sa CIDG, nagsagawa umano ng operasyon ang CIDG Cavite Provincial Field Unit katuwang ang Silang Municipal Police Station, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang sina “Chris,” 43-anyos, residente ng Valenzuela City, at “Mar,” 31-anyos, residente ng Caloocan City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 103 master cases ng iba’t ibang klase ng sigarilyo na may kabuuang halagang P6,695,000. Napag-alamang walang graphic health warnings ang mga pakete ng sigarilyo, na paglabag sa Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law at Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003.
Batay sa ulat, ibinibiyahe umano ng mga suspek ang mga sigarilyo mula Silang, Cavite patungong Malabon City nang sila ay maharang ng mga awtoridad.
Matatandan na nauna ng nagsagawa ng pagsalakay sa isang pabrika ng pekeng sigarilyo ang mga awtoridad nuon buwan ng Pebrero sa Cavite South Luzon Steel Management sa Tanza, Cavite, na inuupahan ng isang Chinese National na si alyas “Jimmy Cua” at iniuugnay din sa operasyon ng cigarrete smuggling ang isang dating alkalde sa cavite.
Nanawagan din ang CIDG sa publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang anumang impormasyon tungkol sa mga smuggled o iligal na produktong tabako sa kanilang lugar.(Koi Laura)