Advertisers

Advertisers

Rom-Com Movie Na “Project Baby” Nina Sue At Rico Malakas Ang Dating; Grand Launch Ng ALU GARDEN, Sa Amadeo Cavite Dinumog!

0 16

Advertisers

Ni Peter Ledesma

First time, na magsasama sa isang kakaibang tema ng romantic-comedy movie na “Project Baby” si Sue Ramirez At Rico Blanco. At kung pababasehan ang full trailer ng film at reactions ng invited entertainment press(including me) and vloggers sa Mediacon nito na held at Eastwood Mall Cinema, na pati ang buong cast led by Sue and Rico ay nagtakbukan sa upuan para mapanood ang trailer ng kanilang movie. Aba’y napakalakas ng dating ng Sue and Rico tandem. At wow, pinaghandaan raw talaga ni Rico ang intimate scene nila ni Sue. Nag-diet siya at gym. At ayon pa kay Rico nang alukin siya sa project na ito at sabihin sa kanya na si Eric Quizon ang magdi-direk at si Sue, ang kanyang makakasama ay agad niya itong tinanggap. Although kinakabahan pero naging maayos naman daw ang shooting nila ni Sue. “First ko ito ever(na rom-com). Hindi ko alam kung magiging last. Sana hindi. Minsan nga ay nagkaka-impostor syndrome ako. Hindi ako makapaniwala . Totoo ba ‘yan?

“Kinakabahan ako dito(Project Baby). Mas kabado pa ako dito kaysa ‘pag merong major concert or malaking music event. Kasi po, as you all know ay bibihira kong gawin ito and I feel… minsan hindi ko alam kung totoo bang nangyayari na at this point in my life, ngayon pa ako magkakaroon ng lead role in a Regal movie. Say pa ng singer-actor. At hayan tapos na ang movie nila ni Sue na showing na in Cinemas Nationwide starting June 10. Infairness million views na ang trailer ng kanilang movie.

And for Sue, na gagampanan ang character ni Sandy, isang independent woman na kahit walang karelasyong guy, sa movie ay gagawin lahat para magka-baby. At bongga itong si Sue agad na nag-viral ang linya niya sa Project Baby na “Kailangan ba ng isang babae, ang boyfriend para makabuo siya ng bata?” At yan ang sasagutin ng pelikula na handog ng Regal Entertainment at Project 8 Projects. At si Sue, walang kiyemeng inamin na minsan ay pinangarap na niyang magka-anak agad.

“At one point in my life, nasabi ko na iyong ‘buntisin mo na ako,’ kasi bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng baby.” Ready na rin ang aktres na magkaroon ng anak sa kasalukuyang karelasyong si Dominic Roque na for her ay magiging good father. At may pa sperm donor checklist pa si Sue sa Project Baby. Dapat ay single, may looks, good with kids, no cancer, no diabetes, mature, low cholesterol, longetivity, no hypertension, with talent, open minded, and professional. Naninigurado si Sandy(Sue) na magiging healthy ang kanyang baby kay Mico Andrade na played by Rico. Ang Project Baby ay mula sa script ni Direk Joey Javier Reyes. At parte rin ng cast sina: Alice Dixson, Matt Lozano, Arra San Agustin, Yasser Marta, Charuth, Kimson Tan, Jazzil Sarinas, at Alex Calleja.

***

Naging mega successful, ang Grand Launch ng bagong resort sa Amadeo, Cavite sa rami ng mga bisita na gustong masilayan ang ganda ng ALU Garden.

At sa ginanap na Presscon ay lalo pa namin nalaman kung paano naitayo ang malawak na resort na ito na pag-aari ni Ma’am Pretty Leslie Ann Uy, Albert Caño, at Heiz Robert Andros. Ayon pa kay Albert ay may tumawag sa kanya na may bakanteng lote na open for sale o pwede ring rentahan.

“Tinawagan ko si Leslie at sinabi ko na may for rent na space o ibinebenta na. Sinabi ko sa kanya, ‘go ba natin ito?’ Piniktyuran ko at sinend ko sa kanya, tapos sabi niya sa akin ay i-go ko na”. At ito na nga naitayo na nila ang bongga nilang resort. Ganyan kabilis mag-isip at desisyon si Ma’am Leslie na matagal ng negosiyante, na owner ng iba’t-ibang business tulad ng Bean Leaf na may 40 branches nationwide na siya ang founder. Nasa Realty business rin ito. Kaya alam ni Ma’am Leslie na dadayuhin ang kanilang Resort lalo mas affordable sila kaysa sa ibang resort na mas nauna sa kanila. At pagdating sa kanilang food ay tiyak na magugustuhan raw ng mahihilig kumain at mahusay at expert ang kanilang Chef, iba’t-ibang delicacies tulad ng Pinoy specialties, American, Mediterranean at marami pang iba. ang kanilang At ang pagkakaiba ng ALU GARDEN, ay all in one hub sila. Ma-eenjoy ng mga dadayo at magbabakasyon rito ang mga bongga nilang amenities like ang malalaki nilang Private Villa na may dripping pool, well appointed hotel rooms, Cafe and Restaurant, Spa and Massage Services, Gaming Hub, Salon. At sosyalin ang kanilang Events Place. At open sila sa any occasion like: wedding, birthday, baptismal, conference, party, etc. 10 minutes lang sila from Tagaytay at 2 hours kapag galing ng Manila. At napakadali lang i-locate ang ALU GARDEN.

Samantala, nasa opening ng ALU GARDEN ang German-Pinoy actor na si Mark Neuman at join siya sa ribbon cutting with Ma’am Leslie, Albert, at Heiz Robert. Close pala ang actor kina Leslie at Heiz. Ang saya ng event na sobrang sarap ng mga food. Nasa nasabing Grand Launch rin ang famous and controversial at may good PR sa entertainment press na si Doc Arth Cruzada. Inatasan nito si Kapatid na Pilar Mateo na mag-imbita ng press para sa okasyon dahil kaibigan ni Doc Arth itong si Ma’am Leslie. Sana magtagumpay agad ang ALU GARDEN, para mas maraming matulungan ang grupo ni Ma’am Leslie Ann Uy.