Advertisers
By Anne Venancio
Binalikan ng aktor na si Jake Cuenca ang kanyang mga unang taon sa showbiz at ilang personal na karanasang hindi niya malilimutan, kabilang ang panliligaw niya noon sa aktres na si Yasmien Kurdi na nauwi sa rejection.
Sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Jake, ang youth-oriented show na Click ang kanyang unang TV project. Inamin niya na labis ang kaba niya sa kanyang unang eksena, na umabot pa sa maraming retakes bago niya ito matapos nang maayos.
Sa mahigit 25 taon niya sa showbiz, sinabi ni Jake na mahalaga para sa kanya ang pagbabalik-tanaw sa kanyang humble beginnings upang manatiling grounded.
Inamin din niya na noong kabataan niya ay may mga niligawan siya, ngunit isa sa hindi niya malilimutang karanasan ay ang pagtanggi ni Yasmien. Para sa aktor, bahagi ito ng kanyang personal growth at maturity.
Samantala, kinumpirma na ng aktor ang relasyon nila ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo na nagsimula sa mula sa simpleng social media interaction hanggang sa pag-develop ng kanilang feelings matapos ang ilang buwang pagde-date.