Advertisers

Advertisers

40 LEDAC bills nakabinbin sa Senado – SP Gatchalian

0 3

Advertisers

NANANATILING nakabinbin sa Senado ang hanggang 40 panukalang batas na kabilang sa priority bills ng administrasyong Marcos at ng 20th Congress.

Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, ang mga naturang panukala ay kabilang sa 53 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bills o mga panukalang batas na prayoridad ng ehekutibo at ng lehislatura.

Ang ilan sa mga ito aniya ay kabilang sa mga hindi natalakay noong huling bahagi ng unang regular session ng 20th Congress dahil sa ilang kontrobersiyang hinarap ng mataas na kapulungan.



Marami sa mga ito ay may kaugnayan sa sektor ng enerhiya, ekonomiya, at edukasyon.

Tiniyak naman ni Gatchalian na hindi isasantabi ang mga naturang legislative measure kahit pa uupo ang Senado bilang isang impeachment court.



Ayon kay Gatchalian, kung kailangang magpatawag ng all senator caucus para talakayin ang mga naturang panukala ay gagawin niya ito, kahit nasa kalagitnaan ng trial.

Plano rin ni Gatchalian na mag-imbita ng mga subject-matter expert at resource persons upang magsalita ukol sa mga naturang panukala, para mas maintindihan ng mga senador ang kahalagahan ng mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">