Advertisers

Advertisers

House prosecution naghihintay sa pre-trial order ng Senado bago ang paglilitis kay Sara

0 7

Advertisers

INAASAHAN na ng House prosecution panel ang paglabas ng pre-trial order mula sa Senate impeachment court matapos makumpleto ang pre-trial conference para sa gaganaping impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Pahayag ni House Trial spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, ang naturang order ang magbubuod sa mga natalakay noong pre-trial at magtatakda ng mga alituntunin at parameter para sa paglilitis na magsisimula sa July 6.

Sinabi ni Adiong na layunin ng pre-trial order na linawin kung aling mga stipulations of fact ang tinanggap ng magkabilang panig upang mapadali ang proseso at matutukan lamang ang mga isyung may pagtutol.



Klinaro rin niya na ang mga hindi pa nareresolbang usapin at hiling ng magkabilang kampo ay dadaan sa Senate impeachment court dahil walang kapangyarihan si Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Renato Bantug Jr. na magpasiya sa mga disputed pleadings o ebidensya.

“Summation na po ’yan, ano po ‘yung magiging directive ng korte, ano ‘yung magiging parameters, ano ang accepted, ano ‘yung i-include, para for the guidance of both the panels, the prosecution and the defense,” pahayag ni Rep. Adiong.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">