Advertisers
NASAKOTE na ang da-lawang suspek sa pagpaslang sa vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata sa Mabalacat, Pampanga Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “MS”, umano’y gunman; at alyas “JA”, ang nagsilbing driver ng motorsiklong ginamit sa krimen.
Haharap ang dalawa sa mga kasong murder, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa Republic Act No. 9516.
Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang hand grenade, isang 9mm pistol, at isang caliber .45 pistol na pinaniniwalaang ginamit sa pagpaslang sa vlogger.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.
Matatandaang pinaslang ang 24-anyos na pro-BBM vlogger nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Caloocan City noong Hulyo 16.
(Mark Obleada)