Advertisers

Advertisers

OPM HITMEN NASA PANGANGALAGA NA NG ECHOJHAM ENTERTAINMENT PRODUCTIONS

0 102

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NASA pangangalaga na ng EchoJham Entertainment Productions ang OPM Hitmen na sina Chad Borja, Rannie Raymundo at Richard Reynoso. Pumirma sila ng kontrata sa nasabing kumpanya noong Sabado, August 8.

Si Juan Angelo Sarenas ang presidente ng EchoJham Entertainment Productions.

Tinanong namin si Angelo kung ano ang mga plano nila sa OPM Hitm3n ngayon na nasa pangangalaga na nila ang mga ito.

Ang sabi niya,”Hindi pa planado ang lahat. Pero siguradong may mga nakalatag kaming concerts na ibibigay sa kanila. Let’s wait and see, and find out na lang po muna,”

Tinanong namin sina Chad, Rannie at Richard, kung sino sa mga baguhang singers ngayon ang hanga sila pagdating sa pagkanta at kung mabibigyan ng chance, sino ang gusto nilang gawan ng kanta.

Ang sagot niya,”Alam mo, hindi ko kabisado ang pangalan ng mga bagong singers ngayon. Sa dami ng mga young artist ngayon, minsan katabi na namin, hindi pa namin kilala. Pero ang daming magagaling na singers ngayon. Ang kailangan lang talaga, ang advice lang namin sa kanila, hanapin nila ‘yung totoo nilang boses. Hindi ‘yung ‘ay ito ‘yung sikat ngayon’, gagayahin nila. Kailangang magkaroon sia ng originality or sarili nilang identity.

“Gaya ni Richard, ‘pag tumugtog na yung Paminsanminsan, alam mo na siya ang kumanta. ‘Pag narinig mo na yung Ikaw Lang, siyempre si Chad yun,”paliwanag pa niya.

Sabi naman ni Richard,”Ang daming artist, and it’s so difficult. Ako nagsisimula na ring magsulat ngayon.

“Ang hirap kasi, lahat ng mga bago ngayon, hind mo pwedeng basta sila bigyan ng kanta, eh. Kasi sila mismo ang gumagawa ng sarili nilang mga kanta.

“Part na yata ng pagle-level up ng industry. Hindi katulad nu’ng time namin, umaasa ka sa composers na mag-supply sa ‘yo ng mga kanta.

“To answer your question, sa dami ng mga artist, kahit sino na lang siguro. Basta ang importante, kaya nilang kantahin yung material na ilalatag sa kanila,”

Si Chad naman hanga kina JK Labajo at TJ Monterde.

“Hindi ko naman sila napapanood (sa kanilang mga concerts) Kaya lang minsan, nakikita ko sila sa mga social media.

“So,kung sino man ‘yung nariring ko sa mga anak ko, sila ‘yung popular kasi ngayon, so magiging bias ako na sasabihin ko na sila yung gusto ko,”