Advertisers

Advertisers

26 na nasawi sa mga bagyong Luis, Maymay at Habagat

0 3

Advertisers

UMABOT na sa 26 indibidwal ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng mga bagyong Luis, Maymay, at hanging Habagat, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP nitong Miyerkoles, kabilang sa mga nasawi ang 25 sibilyan at isang pulis.
Samantala, inihayag ng ahensya na nakatuon na ito sa post-disaster recovery phase mula sa emergency search and rescue operation.
Inatasan naman ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., ang lahat ng yunit ng pulisya na panatilihin ang mataas na police visibility at patuloy na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.