Advertisers
INARESTO ng mga ope-ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang aktibong pulis at isang security guard kaugnay ng pana-nakit at pagbabanta, na nagdulot ng pisikal na pinsala, at pamimilit sa isang kapwa pulis sa loob ng supermarket sa Quirino Highway, Barangay Baesa, Quezon City, noong Miyerkules, Agosto 12.
Ayon kay QCPD Director, BGen. Glen Silvio, batay sa paunang imbestigasyon, hinarang ng security guard na si alyas “Mida” ang biktima at hindi pinayagang makalabas ng establisyimento kahit naipakita na nito ang kanyang resibo.
Sa kabila ng pagpapakilala ng biktima bilang isang aktibong pulis ng QCPD, hindi parin ito pinayagang umalis. Tinawag pa ng security guard ang pulis na si alyas “Rey” na nasa loob ng establisyimento.
Ayon sa pulisya, nakialam si “Rey”, itinutok ang kanyang baril sa biktima at sapilitang hinila ito pabalik sa loob, at hinampas gamit ang baril na nagresulta sa mga sugat.
Tumulong din ang security guard sa pagpigil sa biktima.
Sa ngayon ay sinampahan ang pulis ng Grave Threats, Physical Injuries, at Grave Coercion, habang Grave Coercion ang isinampa laban sa security guard.