Advertisers
NAGWAGI ang National University laban sa De La Salle University, 25–23, 25–16, 25–20, Linggo ng gabi para manguna sa V-League Collegiate Challenge preliminaries sa Gameville Central Park sa Lungsod ng Mandaluyong.
Nag-ambag si Buds Buddin ng 16 na puntos sa 12 pag-atake, dalawang block, at dalawang ace para pangunahan ang anim na beses na UAAP champion na Bulldogs sa kanilang pangalawang sunod na panalo.
Nag-ambag ng tig-12 puntos si Leo Ordiales at Jade Alex Disquitado para sa NU, na tinalo ang University of Santo Tomas, 25–16, 25–15, 20–25, 22–25, 16–14, noong nakaraang Sabado.
“As I told them yesterday, that was a lesson learned: you shouldn’t relax until the game is over. Today, they secured the win and finished it in straight sets,” wika ni coach Dong Dela Cruz,na humalili kay head coach Dante Alinsunurin na nanateli sa club duties.
Umiskor si Eugene Gloria ng 10 habang si Issa Ousseini naman ay nagdagdag ng pitong puntos at 14 na mahusay na pagtanggap para sa Green Spikers, na makakalaban ang Mapua University Cardinals sa Agosto 30.
Sa isa pang laro, tinalo ng Letran ang UST, 26–24, 22–25, 25–16, 25–23.
Nagtala si Dave Lardizabal ng 16 points habang ang Knights, sa ilalim ng bagong coach na si Jessie Lopez, ay nakabawi mula sa kanilang pagkatalo sa unang laro laban sa Arellano University Chiefs.
Si Paolo Lopez naman ay nag-ambag ng 14 points at 15 mahusay na receptions, habang si Vince Himzon ay may pitong puntos, kabilang ang isang malakas na spike para siguruhin ang panalo pagkatapos ng dalawang oras na aksyon.
Natapos si Gab Hernandez na may 17 points mula sa 14 spikes, isang block, at dalawang aces, habang nagdagdag si Trevor Valera ng 14 points para sa Golden Spikers, na nagtamo ng kanilang pangalawang sunod-sunod na pagkatalo.
Magtutunggali ang UST at Arellano sa Agosto 29 ng alas-5 ng hapon.