Advertisers

Advertisers

KARAHASAN, ‘DI DAPAT IPAMANA NI VP SARA! – ATTY. KAPUNAN

0 5

Advertisers

NAGBABALA nitong Miyerkules ang pribadong tagausig na si Atty. Lorna Kapunan sa posibilidad na maging pamana ng pamilya Duterte ang isang “kultura ng karahasan” dahil, aniya, nakadaragdag si Vice President Sara Z. Duterte sa problema sa pamamagitan ng mga mararahas na pahayag sa halip na maging huwaran bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

“Hindi lang ang Vice President ang sinasabi kong responsible. I am saying that she certainly is contributing to the problem and not to the solution,” pahayag ni Kapunan sa isang online press briefing.

Ginawa ni Kapunan ang pahayag kasunod ng madugong pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University, kungsaan binaril at napatay ng isang estudyante ang kapwa estudyante bago nito pinatay ang sarili noong Martes, Agosto 18, 2026.

Ayon kay Kapunan, dapat magsilbing hudyat ang insidente para mas malalim na suriin ang mga pagpapahalagang nakikita ng mga kabataang Pilipino sa kanilang paligid, kabilang ang mga ipinapakita ng mga lider ng bansa.

“’Yun ang default reaction ng ating Vice President, mag-hire ng assassin, mag-press conference, magbanta. That cannot be the leadership example of a high public official,” diin ni Kapunan.

Tinukoy ni Kapunan ang pattern sa dalawang henerasyon ng pamumuno ng mga Duterte—mula sa mga extrajudicial killing na iniugnay sa madugong drug war ni dating Pangulo Rodrigo Duterte hanggang sa mga pampublikong pahayag ng kanyang anak na si Sara na may kaugnayan sa pagbabanta at mga assassin.

“’Yung kultura ng tatay niya, ’yung mga extrajudicial killings, kung kaya ‘yung tatay niya ay nasa The Hague dahil sa extrajudicial killings. Human rights violation naman ‘yun, that’s crime against humanity. Eh culture of violence ’yun,” ani Kapunan.

“’Yun lang ba ang legacy ng ating mga leaders na mamamanahin natin? Kasi ‘yung mga values ng leaders natin ’yun ang nakikita ng mga kabataan ngayon,” dagdag niya.

Nahaharap si dating Pangulong Duterte sa mga paglilitis kaugnay ng ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court dahil sa mga pagpatay na iniuugnay sa kanyang kampanya kontra droga.

Samantala, nahaharap si VP Duterte sa isang impeachment article na nag-aakusa sa kanya ng ‘betrayal of public trust’ kaugnay ng malulubhang pagbabanta at pagtatangkang destabilization.

Binanggit ni Kapunan ang pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024 na inatasan niya ang isang tao na patayin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at noo’y House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.

Naalala rin niya ang nauna nang pahayag ni Duterte na kukuha siya ng assassin sa halagang P5,000 kung siya ay pagtataksilan ng kanyang mister, Atty. Mans Carpio.

“If we have a high official, the Vice President herself, saying that she knows assassins who she can hire for P5,000. Ganoon na ba ang kultura natin? Are we a culture of violence?” tanong ni Kapunan.

Ayon kay Kapunan, dapat ipakita sa impeachment trial ni Duterte na hindi maaaring palampasin nang walang pananagutan ang mararahas na pananalita at kilos ng mga matataas na opisyal ng bansa.

“And that is why, ibalik natin sa impeachment, ipakita natin sa lahat na hindi pwedeng mangyari ito. Hindi pwedeng walang responsibilidad ang napakataas na Vice President natin,” aniya.

Natapos na ng House prosecutors ang kanilang presentasyon ng ebidensya sa Article IV ng Articles of Impeachment, na tumatalakay sa mga pagbabanta ni Duterte laban kay Pangulong Marcos, sa First Lady at kay Romualdez.

Binigyang-diin ni Kapunan na mahalaga ang mga salita at kilos ng mga lider dahil nakatutulong ang mga ito sa paghubog ng pananaw ng kabataan tungkol sa kung anong asal ang katanggap-tanggap.

Gayunman, nilinaw ni Kapunan na hindi niya sinasabing si Duterte o ang kanyang pamilya lamang o direktang responsable sa karahasan sa mga kabataan.

“In my personal opinion, eh kasalanan rin ’yan ng social media, ng media kasi, eh, ’yun ang nano-news ngayon. ’Yung mga breaking news is about crime, breaking news about drug dealers, breaking news is about itong bullying in schools,” ani Kapunan.

“So hindi lang directly responsible ang isang Vice President. Ang sinasabi ko ngayon, eh, dapat back to basics tayo, back to values tayo, back to family tayo,” dagdag niya.

Ayon kay Kapunan, kailangan ng mas malawak na tugon upang matugunan ang karahasan, kabilang ang pagkilos ng mga pamilya, paaralan, justice system at pamahalaan.

“Hindi naman tamang family value ’yon na ini-encourage mo ang mga anak mo na ‘pag meron kang kalaban eh violence ang gagamitin mo,” aniya.

Binanggit din niya ang mga pagkaantala sa justice system, kurikulum sa mga paaralan, pagtuturo ng good manners and right conduct at mga pagpapahalaga sa komunidad bilang mga larangang kailangan ding tutukan.

“Dapat, ano, all of government approach ’yan,” ani Kapunan.

Gayunman, sinabi niyang hindi maaaring ihiwalay ang mga lider pulitikal sa pananagutang ito dahil sa halimbawang iniiwan nila sa mga susun