Advertisers

Advertisers

DepEd: Active-threat drill sa mga paaralan sa buong bansa aarangkada sa Aug. 25

0 6

Advertisers

SISIMULAN na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng active-threat drills sa mga paaralan sa buong bansa sa Agosto 25.

Susubukan ng pagsasanay kung paano mabilis na marespondehan, mailikas at ma-“reunite” ang mga estudyante sa kani-kanilang pamilya sa kasagsagan ng “human-induced threat” o banta na kagagawan ng tao.

Ia-apply sa naturang drill ang mga aral mula sa kamakailang insidente ng pamamaril sa mga paaralan sa Tacloban at Zamboanga City.



Pahayag ni DepEd USec. Malcolm Garma, sa pagdinig sa Senado nitong Huwebes, nakumpleto na ng kagawaran ang mga protocol na ipatutupad sa pagsasanay katuwang ang Philippine National Police (PNP) matapos ang initial testing nito sa Manila Science High School.

Aniya, malaking bahagi sa drills ang tinatawag na “reunification” stage kung saan magtutungo ang mga estudyante, magulang, medical responders at police sa itinalagang mga lugar sa halip na magsama-sama nang magulo sa paligid ng paaralan.



Ang naturang protocol ay bunga ng assessment ng DepEd sa Tacloban school shooting.

Ayon kay Garma, mahalaga ang paghahanda, kahandaan at kamalayan, upang agad na makatugon sakaling mayroong karahasan.



Inihayag naman ng DepEd na ang magiging pagsasanay sa Agosto 25 ay magbibigay-daan sa mga opisyal ng paaralan para i-assess kung paano gagana ang mga protocol sa school level at matukoy ang mga puwang na kailangang matugunan bago pa man ipatupad ang sistema.