Advertisers

Advertisers

Bgy. tanod huling ka-sex ang misis ng kapwa tanod, kinatay

0 5

Advertisers

BUMULAGTA ang isang tanod ng barangay nang saksakin ng kapwa tanod sa Purok 5, Barangay Labrador, Ormoc City, Biyernes ng gabi, Agosto 21.
Ayon sa impormasyon mula sa Ormoc City Police Station, ang salarin at ang misis nito ay 35 anyos ang edad habang ang biktimang chief tanod ay 55 anyos.
Lumalabas na love triangle ang sanhi o motibo ng pana-naksak.
Kwento ng salarin sa mga awtoridad, susunduin na niya ang kanyang misis sa kanilang bahay dahil may pupuntahan silang okasyon pero naabutan niya ang kanyang kapwa tanod at misis na nagtatalik.
Pero imbes na komprontahin niya ang mga ito, kumuha siya ng kutsilyo at pinagsasaksak ang mga ito.
Napuruhan ang chief tanod, habang nasaksak sa dibdib ang live-in partner na ginagamot pa sa ngayon sa ospital.
Nakuha ng mga awtoridad ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.
Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang salarin nanahaharap sa kasong murder at frustrated murder.