Advertisers

Advertisers

6 patay, 3 missing sa tumaob na bangka sa Zambales

0 2

Advertisers

NASAWI ang anim katao kabilang ang tatlong bata, at tatlo pa ang nawawala nang tumaob ang sinasakyan nilang motorized banca sa Mapa-nuepe Lake sa Barangay Buhawen, San Marcelino, Zambales, Agosto 27.
Ayon sa mga paunang ulat, miyembro ng katutubong Aeta ang 6 na mga nasawi. Sa ka-buuan, 13 katao ang sakay ng bangka nang mangyari ang insidente 4:40 ng hapon habang pauwi ang grupo patu-ngong Sitio Lomibao. Apat ang nakaligtas, anim ang nasawi at tatlo ang patuloy na hinahanap.
Kabilang sa mga nawawala ang dalawang bata, edad 5 at 12, at isang buntis na babae, ayon sa initial situation report. Patuloy ang search and rescue operations sa lawa.
Ayon naman kay Liza Ba-lario, Indigenous Peoples Mandatory Representative ng Barangay Buhawen, mula sa Aeta community sa Sitio Lomibao ang mga biktima. Kinakailangan nilang tumawid ng lawa upang makara-ting sa barangay proper kungsaan naroon ang health center.
Sinabi ni Balario na pauwi na ang grupo matapos kumuha ng gamot at pagkain nang lumakas ang hangin habang nasa gitna sila ng lawa.
Gayunman, may hiwalay na initial situation report na nagsasabing posibleng overloading ang dahilan ng pagtaob ng bangka.
Nagpapatuloy ang operasyon upang mahanap ang tatlong nawawala at matukoy ang buong detalye ng insidente.