Advertisers
Naghihimas na din ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang kawani ng Bureau oe Jail Management Penology (BJMP) na itinuturing na High Value Individual (HVI) makaraang makuhanan ng 7.5 gramo ng shabu sa kanyang tangkang pagbisita sa kanyang nakakulong na “girl friend” o kasintahan.
Ayon sa report ng Batangas Component City Police Station sa opisina ni Batangas Police Provincial Director P/Colonel Oliver B. Ebora, bandang 9:30 ng umaga araw ng Linggo ng dumating umano ang suspek na si alyas “John”, 31 anyos na residente sa Barangay Mamatid, Cabuyao City, Laguna, sa receiving area ng Batangas Provincial Jail sa Barangay Cuta ng Batangas City, para dalawin umano ang kanyang kasintahan subalit ng isailalim ito sa routine inspection sa pamagitan ng pagkapkap ng nakatalagang bantay o Watch man 2 na si Nestor Reyes at ng Prison Guard 1 na si Gil Dela Luna, nakuha sa posisyon ng suspek ang ang 9 piraso ng plastic sachet ng mga pinaghihinalaang shabu na may bigat na 7.5 gramo at nagkakahalaga ng P51,000.00. at isang CZ-P10C cal.9mm na issued service firearms na may laman na isang magazine at loaded ng 11 piraso ng mga bala para nasabing kalibre.
Pansamantala ngayon nakakulong ang suspek sa Batangas City Holding and Detention Facility at inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Koi Laura)