Advertisers

Advertisers

Kumander ng MILF nagbanta vs AFP, PNP matapos harangin sa checkpoint

0 7

Advertisers

NAGBABALA si Moro Islamic Liberation Front (MILF) 131st Brigade Commander Abdurahman, “Commander Bravo” Macapaar, na hindi niya papayagan pumasok sa idineklarang ‘Area of Responsibility’ (AOR) ng kanyang grupo ang mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) nang walang paunang koordinasyon.
Kasunod ito ng checkpoint operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP noong Setyembre 2 sa Barangay Libertad, Kolambugan, Lanao del Norte, kungsaan pinahinto ang isang convoy ng MILF na binubuo ng 23 sasakyan at limang motorsiklo.
Ayon sa AFP at PNP, patungo ang convoy sa Camp Kura-Kura sa Barangay Tamparan, Munai, Lanao del Norte upang dumalo sa MILF assembly.
Tinatayang nasa 200 MILF members ang kasama sa convoy, kabilang ang ilang nakasuot ng uniporme at may dalang armas, ayon sa security forces.
Sinabi ng mga awtoridad na isinagawa ang checkpoint bilang bahagi ng law enforcement at public safety operations, lalo na sa paghahanda para sa 2026 BARMM elections.
Ayon sa AFP-PNP, hindi nakapagpakita ang grupo ng dokumentadong prior coordination para sa kanilang paggalaw sa lugar. Ipinaalam din sa mga miyembro ng MILF na hindi sila maaaring magpatuloy habang may dalang armas.
Matapos ang negosasyon sa checkpoint, bumalik ang convoy patungong Picong, Lanao del Sur,sa halip na tumuloy sa kanilang assembly.
Samantala, nagpahayag si Macapaar ng pagkadismaya sa paraan ng pagsita at pag-inspeksyon sa kanilang convoy.
Sa kabila ng hindi pagkakasundo sa mga pamamaraan, sinabi ng AFP at PNP na natapos ang insidente nang mapayapa at walang naiulat na putukan o pisikal na komprontasyon.
Iginiit din ng security forces na nirerespeto nila ang nagpapatuloy na peace process at nanawagan sa lahat ng grupong nagsasagawa ng malalaking paggalaw, partikular ang may kasamang armadong tauhan, na magsagawa muna ng kaukulang koordinasyon sa mga awtoridad.
Ang insidente ay naganap habang papalapit ang 2026 BARMM elections, kung kai-lan inaasahang paiigtingin ng security forces ang checkpoint at monitoring operations sa rehiyon.