Advertisers

Advertisers

8-anyos patay, lola, 4 iba pa sugatan sa sumabog na bomba

0 34

Advertisers

NALIGO na ng sariling dugo at nagkalasog-lasog ang ibang parte ng katawan ng 8-anyos na lalaki at limang iba pa kabilang ang isang lola nang masabugan ng bomba o explosive device sa Purok Raniag, Barangay Sinamar, Roxas, Isabela, 9: 00 ng umaga ng Linggo, Octubre 4, 2026.
Dead on arrival si alyas “JM”, 8-anyos, grade 3; habang sugatan ang isang lola na si Gloria, 85; kabilang sina alyas “CJ”, alyas “PJ”, alyas “AP”, at alyas “JJ” na pawang menor de edad at mga nakatira sa nasabing lugar.
Una rito, isang babae ang nakakita sa mga biktima na naglalakad sa kalsada bago mangyari ang insidente.
Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng malakas na pagsabog at nang lingunin nito ang pinanggalingan ng pagsabog ay nakita nito ang mga naka-handusay na biktima.
Blangko pa ang pulisya kung anong uri ng bomba ang kumitil sa bata, at ikinasugat ng iba pa.
(REY VELASCO)