Advertisers

Advertisers

DPWH Rizal 2nd DEO nakahanda sa pag-alalay sa Lakbay Alalay Program “UNDAS” 2026!

0 29

Advertisers

Ibayong pagiingat sa mga bibiyahe patungo sa kani-kanilang probinsiya ang ipinanawagan ng mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal 2nd District Engineering Office upang samahan at gunitain ang mga namayapang mahal sa buhay.

Sa pangunguna ni DPWH Rizal 2nd DEO District Engineer, DE Juan J. Panganiban at Assistant DE Paul Justine S. Cunanan, sinimulan ngayong umaga dakong 8:00am ang unang araw ng Lakbay Alalay “UNDAS” 2026 kung saan sa lugar ng Tanay itinayo ang Helping Desk na matatagpuan sa Km 53+000 Tanay Rizal.

Ayon kay Road Maintenance Section Chief Engr. Catherine Tamayo, makaraang matanggap nila ang Memo mula sa tanggapan ni DPWH Region 4-A Director Carolina D. Pastrana ay agad kumilos ang Team Rizal 2nd DEO para itayo ang Helping Desk ng sa gayon ay maumpisahan ng alalayan ang mga maglalakbay.



Magkakasama namang nagikot ang mga section chief sa pangunguna ni Construction Section Chief Engr. Benjie Amansec, Quality Assurance Chief Engr. Sovereign “Beng” Calilung, Planning and Design Section Chief, Engr. Angie Lapitan sa mga lugar kung saan may mga blind curve at siguruhin na may mga nakakabit na road signs ng sa gayon ay maging banayad ang paglalakbay.

Sa Unang araw ng Lakbay Alalay October 30 dakong 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay may naka assign na opisyales partikular sa hanay ng Road Maintenance Section hanggang matapos sa November 2,2026 ang pag asiste sa mga motoristang magkaka aberya.



Nakahanda na rin ang mga heavy equipment tulad ng 3 units ng Dump truck, Service Vehicle 2 units, Backhoe at Payloader na pawang tag isa na gagamitin sakaling may maganap na aberya sa kalsada. (Cesar Barquilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">