Advertisers

Advertisers

Back-to-back rollback sa petrolyo at LPG asahan sa sunod na linggo

0 24

Advertisers

SASALUBUNGIN ng isang back-to-back na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) ang mga konsyumer sa susunod na linggo.

Unang ipatutupad ngayong darating na Linggo ang P2 kada kilong rollback sa presyo ng LPG, na katumbas ng kabuuang P22 na bawas sa bawat karaniwang 11-kilogram na tangke.

Susundan naman ito ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa pagpasok ng linggo, kung saan tinatayang bababa nang P2.67 kada litro ang diesel, P2.47 kada litro sa gasolina, at P1.88 kada litro sa kerosene batay sa kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS).



Itinuturong dahilan ng magkasunod na pagbaba ng presyo ang matamlay na demand at nananatiling matatag na suplay ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Klinaro naman ng industriya ng langis na paunang pagtaya pa lamang ang mga numerong ito sa petrolyo at maaari pang magbago depende sa ipalalabas na abiso ng Department of Energy (DOE).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">