Advertisers

Advertisers

DTI ‘di pa aprub ang muling pagbabalik operasyon ng aabot sa 600 negosyo

0 263

Advertisers

NASA 600 na mga business establishments sa bansa ang naghihintay pa sa safety seal certificate na ini-isyu ng Department of Trade and Industry (DTI) para muli silang magbalik-operasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang naturang bilang ng mga naghihintay pa ng safety seal ay kasalukuyan pang gumugulong at kailangan pang ma-inspeksyon kung tunay bang sumusunod sa mga health protocols.

Paliwanag pa ni Lopez na maaari namang magsagawa ng self-assesment ang isang establisyimento kung sila ba’y compliant sa safety standards sa pamamagitan ng safety seal microsite.



Matapos nito, ay pwede na silang magpa-inspect sa ahensya.

Mababatid na sang-ayon sa kautusang pirmado ng DTI, labor department, health department, at iba pang kinauukulang ahensya ay kinakailangang mag-apply ng mga private business establishments at ilan pang mga tanggapan ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa virus na bibisita sa mga nabanggit na lugar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">