Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAHALAGA ba ang edad pagdating sa pag-ibig?
Sinagot ng cast ng “Legal Wives” na sina Alice Dixson, Dennis Trillo, Andrea Torres at Bianca Umali ang tanong na ito.
“Ako kasi, I like to have a good conversation, it’s based on my personal experience ha. I like to have a good conversation with someone. And if that person is too young, kunwari, eh ‘di parang hindi magtutugma. Pero if that person is young pero marami na siyang experience sa buhay at saka kaya niyang makipagsabayan, then why not?” sagot ni Alice sa kanilang pakikipag-bonding sa fans sa Kapuso ArtisTambayan.
“Pero my preference is I like to be with somebody more of my age,” dagdag ni Alice.
Pagklaro naman ni Alice, may mga kakilala siya na nasa mga edad 20 samantalang 40 na ang kanilang partner pero maayos naman ang kanilang relasyon.
“So why not, if you’re in love, you’re in love,” saad ng aktres.
Para naman kay Andrea, “Hindi masyadong issue sa akin ‘yung age, as long as tama rin ‘yung, tulad ng sinabi ni Ms. Alice, as long as nagja-jive kayo, nakakapag-usap kayo, comfortable ka sa kanya, kaya niyo talagang maging partners, pareho kayo ng values, ‘yung mga ganu’ng bagay, as long as nagmi-meet kayo sa mga gano’n.”
“Kasi may mga lalaki na very mature na mag-isip. Meron naman na older than you na kayang sumabay sa age mo,” dagdag ni Andrea.
Mas importante naman para kay Dennis na nagkakasundo dapat ang mag-partner.
“Para sa akin, hindi importante ‘yung edad. Mas importante sa akin ‘yung pareho kayo ng nararamdaman, nagkakasundo kayo, nagkakaintindihan ‘yung puso ninyo, ‘yun ‘yung importante sa akin. Kahit anong edad pa ‘yan basta’t nagko-connect kayo, sa tingin ko wala naman ‘yun kaso,” saad ng aktor.
Hindi rin mahalaga kay Bianca ang edad pagdating sa pag-ibig.
“Sa perspective ko ng buhay, as long as nagmamahalan kayo and mas nagma-matter ‘yung compatibility. Kung nagkakaintindihan kayo, masaya kayong magkasama, kung ano ‘yung nararamdaman niyo para sa isa’t isa ‘yun ang mahalaga,” paliwanag niya.
Gagampanan ni Dennis sa “Legal Wives” ang role ng Muslim na si Ishmael, na ikinasal kina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).
***
KAPWA nasa isang magulong relasyon sina Jon at Anne. Si Jon ay may kinakasama – ang mas bata at kasosyo niya sa negosyong si Kim na madalas ding pagkamalan na kanya lang ginagatasan.
Si Anne naman ay nakatali sa isang tomboy – si Roxy.
Pero sa una pa lamang nilang pagkikita ay hindi na matago ang malakas na koneksyon at pagtingin sa isa’t isa. Sinubukang i-chat ni Jon si Anne pero hindi siya sinasagot nito. Pagkatapos lamang ng limang taon nang pagbigyan ni Anne si Jon na magkita sila.
Ngunit noon matutuklasan ni Jon na si Anne ay may karelasyon na at isang tomboy pala. At nais ng mga iton na gawin siyang ‘sperm donor’ sa binabalak na pagbubuntis ni Anne sa pamamagitan ng “in-vitro”. Gulat sa nalaman, nilayuan na ni Jon si Anne.
Ginawa ni Jon ang lahat para maayos muli ang relasyon nila ni Kim, pero noon naman niya natuklasan na may ibang lalaki ito kaya hiniwalayan na ni Jon nang tuluyan si Kim.
Muling nagkrus ang landas nina Jon at Anne. At doon nakita ni Jon ang hindi magandang pagtrato ni Roxy kay Anne. Sinimulang ipakita ni Jon kay Anne and tamang pagtrato ng isang lalaki sa isang babae. Mula noon ay naging malapit na ang dalawa. Pero muling sinuyo ni Roxy si Anne. At sa huli ang matagal na relasyon kay Roxy ang pinili ni Anne.
Muling nasaktan, pinili na lang ni Jon ang mangibang bansa. Sa kanyang pagkawala, naramdaman ni Anne na may pitak na pala sa kanyang puso si Jon. Lalong lumala ang away nila ni Roxy hanggang magdesisyon siyang hiwalayan na rin ito at mangibang bansa na rin.
Tadhana na ang gumawa ng paraan sa kanilang muling pagtatagpo. Dahil iisa lang pala ang bansang kanilang pinuntahan. Sa pagkakataong ito, inamin na ng dalawa ang tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa.
Makalipas ang isang taon, nagdesisyon sila na umuwi na ng Pilipinas at magpakasal. Pero mas malaking hadlang pala ang naghihintay sa kanila. Sa kanilang pagdating ay muli na naman silang guguluhin ng pinagsanib na pwersa na nina Kim at Roxy.
Kung paano muling ipaglalaban nina Jon at Anne ang kanilang masalimuot na pag-iibigan ang tampok na kuwento ng Magpakailanman na pinamagatang “Love Square. Ito ay kinatatampukan nina Dion Ignacio bilang Jon, Maxine Medina bilang Anne, Arny Ross bilang Roxy, at Yvette Sanchez bilang Kim. Sa direksyon ni Neal del Rosario, pananaliksik ni Karen Lustica at panulat ni Vienuel Ello, mapapanood ito sa Sabado, 8pm sa GMA.