Advertisers
NAGPADALA na ng sulat ang House Committee on Good Government and Public Accountability kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon upang hili-ngin na makadalo sa susunod na pagdinig ng Kamara si Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong.
Sa sulat ni Committee Chairman at DIWA Partylist Rep. Michael Aglipay, hinihiling nito kay Gordon na payagang paharapin si Ong sa pagdinig ng komite kahit via online.
Kasalukuyan kasing nasa kustodiya ng Senado si Ong matapos i-cite in contempt sa gitna ng hiwalay na pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y overpriced COVID-19 purchases ng pamahalaan.
Naglabas na rin ang Kamara ng subpoena ad testificandum para kay Pharmally Executive Krizle Grace Mago.
Batay sa subpoena, maaaring via zoom videoconferencing din dumalo si Mago na sa ngayon ay incommunicado matapos ibunyag sa Senado na nagkaroon ng pagpapalit sa production date ng mga ibinentang face shield ng Pharmally. (Henry Padilla)