Advertisers
AGAWAN sa lupa at personal na away ang tinututukan ngayon ng pulisya sa pamamaril at pagpatay sa isang magsasaka San Agustin, Abulug, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Romel Galvan, 57 anyos, ng Purok 2, San Agustin.
Ayon kay Police Major Ignacio Dijun Dinulong, hepe ng Abulug Police Station, maikukunsiderang may lead na sila sa imbestigasyon batay narin sa mga nakalap nilang impormasyon sa mga kamag-anak ni Galvan.
Bago ang pagpatay kay Galvan, nakaalitan din nito at tinaga ang kanyang kapitbahay.
Hindi naman nag-report sa pulisya ang pamilya Biscaro sa nasabing insidente.
May impormasyon din na ipapatumba si Galvan sa pamamagitan ng isang hired killer.
Sumapit ang gabi at dito na pinagbabaril ang biktima sa loob mismo ng kanilang bahay.
Dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ang naging sanhi ng kamatayan ni Galvan. (Rey Velasco)